Chapter 12

1.3K 85 15
                                    

PATRICK

"Ba't ang tagal mo?!"

Napakunot naman ako ng noo. Bakit? Hinihintay niya ba ako?

"B-bakit?"

"Anong bakit?! Diba ikaw magluluto lahat ng kakainin ko?! Gutom na ako kaya magluto ka na dun!" Sigaw niya sa akin bago bumalik sa kanyang kama at nahiga.

Ay, oo nga pala. Hehe. Ako pala yung magluluto waaah! Masyado kasi akong nawili kanina kasama si Nikko kaya 'di ko man lang napansin yung oras. May papakainin pa pala akong feeling bossy.

Sigh. Ba't bigla nalang ako naging utusan? Ay oo nga pala, pumayag ako kaninang umaga. Bahala na nga lang.

Nagbihis muna ako bago ako nagsimulang magluto. 'Di ko naman alam kung anong paboritong pagkain ni Kenjie kaya nagluto ulit ako ng adobo para sa kanya. Yung sa akin naman, nagluto lang ako ng dalawang itlog, iyon na lang ang uulamin ko since pagod na pagod ako ngayong araw para magluto pa ng ibang potahe. Kung pwede nga lang makishare nalang ako kay Kenjie, ginawa ko na kaso ayaw niya eh.

Huhuhu, 'di talaga kami magkakasundo nitong roommate ko. Saan ba 'to ipinaglihi? Ang sungit-sungit sa akin. Galit pa rin ba siya kasi nahuli ko siyang kinama yung babae niya nung first time naming magkita? Ahhhh! Ayoko na ngang isipin yun!

Nang matapos akong magluto ay inihanda ko na yung mesa para makapagsimula na kaming kumain. Tinawag ko naman si Kenjie. Bumangon naman siya mula sa kama niya at naupo na rin kasama ko at nagsimula na kaming kumain.

Una akong natapos kumain at nilagay kaagad iyon sa lababo. Nagpahinga muna ako bago ko hinugasan yung pinagkainan namin. Nang matapos akong maghugas ay naghalf bath lang ako then I went to sleep na.

Kinabukasan, nagising ako 6:00 na ng umaga. 'Di ko man lang narinig na tumunog yung alarm ng cellphone ko. Nag-aalarm kasi ako ng 5:30-5:45. Minsan pa nga, mauuna akong magising bago tumunog yung alarm ng cellphone ko.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga at kinusot ang mga mata ko. Napatingin ako sa kama ni Kenjie at wala na siya doon. 'Di man lang ako ginising, sigh.

8:00 ng umaga at nandito ako ngayon sa loob ng claasroom at nakikinig sa discussion ni Maam Elizabeth. It is just a normal class day at wala namang interesting na nangyari.

Dumating ang dismissal namin sa hapon at nagsimula na akong magligpit ng mga gamit para ilagay yun sa bag at para makuwi na. Tapos na rin kaninang tanghali pa yung pagpapractice ko ng gitara. Nilibre ko pa nga si Nikko at pang-aasar na naman ang inabot ko sa mga kaibigan ko. Ang supportive nila no?

Lumabas ako ng classroom at sabay kami ngayon ni Sam na naglalakad pabalik ng dorm. Sila Alexa naman ay may kailangan pa daw gawin kaya naman kami lang dalawa ni Sam ang makakauwi ng maaga.

"So kamusta naman yung pagpapractice mo ng gitara? Grabe ka ha, pasekreto yang pagsosolo mo kay Nikko. Malandi ka din eh."

"Hala siya. Tinuruan lang naman ako ni Nikko kasi required na matuto ako maggitara. Solo ka diyan, pinagsasabi mo?" Sabi ko tapos napailing nalang.

"Pero aminin mo, gustong-gusto mo na palagi siyang makasama no?"

Namula naman ako doon sa tanong niya. Syempre. Sino ba naman ang 'di gustong makasama yung crush nila diba?

Please Save MeWhere stories live. Discover now