Chapter 35

1.3K 85 17
                                    

THIRD PERSON

Iminulat ni Patrick ang kanyang mga mata. It is blurry at first hanggang sa unti-unting luminaw. Una niyang nakita ang puting kisame ng ospital na kaagad na ikinakunot ng noo niya.

Bumangon siya mula sa pagkakahiga pero bigla siyang nakaramdam ng pagkahilo kaya naman 'di niya na muna pinilit na bumangon.

Nilibot niya ang paningin niya sa loob at nakita niya si Kenjie na mahimbing na natutulog sa couch.

'Di niya alam kung bakit pero bigla na lang siyang napangiti. Kasabay nito ang malakas na kabog ng puso niya nang maalala niya ang nangyari sa kanya kagabi.

Kung 'di siguro siya niligtas ni Kenjie, malamang sa malamang, tuluyan siyang nadala ng mga manyak sa motel.

Naghintay muna siya ng mga ilang minuto bago nag-attempt muli na bumangon. This time, successful iyon at hindi siya nakaramdam ng pagkahilo.

Umalis siya sa kama niya at binuksan ang pinto ng room. Walang taong dumadaan sa hallway. Bumalik siya sa loob at hinanap ang cellphone niya. 'Di niya kasi alam kung anong oras na tapos nakakaramdam na rin siya ng gutom.

Nagising si Kenjie mula sa pagkakatulog at una niyang nakita si Patrick na nakatalikod sa kanya. Kaagad siyang napabangon at tinawag ang pansin nito.

"Gising ka na pala. Kakagising mo lang?" Tanong niya rito.

"Yup. Anong oras na ba?"

Tiningnan ni Kenjie ang oras sa kanyang relo at nakita niyang 1:30 na ng hapon.

"1:30 PM."

Nanlaki ang mga mata ni Patrick nang marinig iyon.

"1:30?! Ganun ako kahaba natulog?" Bigla na namang tumunog 'yung sikmura niya at hindi nakaligtas kay Kenjie iyon.

"Dito ka muna. Bibili ako ng pagkain sa baba." Sabi nito sabay kinuha ang cellphone sa mesa.

"A-ah hindi na. Okay na bang lumabas? Sa labas nalang ako kakain."

"Okay ka na ba?"

Tumango naman si Patrick na parang bata.

"Well then, magbihis ka muna. Andiyan sa bag mo ang damit mo. Dinala 'yan ni Samantha kagabi. Alalang-alala 'yun sayo pati na rin 'yung iba mo pang mga kaibigan."

Ngumiti lang siya kay Kenjie bago kinuha ang damit at pumasok ng banyo para magbihis. Nang matapos siya ay lumabas na siya ng banyo at sabay silang lumabas ng hospital room.

Kumain sila sa isang Italian Restaurant na malapit lang sa ospital. Si Kenjie lahat ang magbabayad kaya naman nahihiya siyang umorder ng pagkain. Mahal kasi ang mga iyon.

"Order anything you want. Alam kong gutom na gutom ka kaya eat what you want. My treat so don't worry sa expenses."

"Ang mamahal kasi nito."

"Kahit mag-order ka pa diyan ng worth Php10,000 na pagkain, mababayaran ko 'yan kaya mag-order ka na diyan."

Natawa naman si Patrick at napailing na lang. Nang makaorder na sila ay doon nagsimula ang awkward na atmosphere. Tahimik lang silang dalawa at walang nagsasalita, buti na lang at may tumutugtog na Italian Music kaya hindi masyadong nakakabingi 'yung katahimikan. Plus, may iilan ding mga tao na kumakain sa loob ng restaurant.

Gustong magpasalamat ni Patrick kay Kenjie dahil sa pagligtas nito kahapon pero 'di niya mahanap ang tamang sasabihin. Malakas rin ang tibok ng puso niya kasi kinakabahan siya.

"May sasabihin ka?" Tanong sa kanya ni Kenjie na nagpa-agaw ng atensyon niya. Napansin kasi siya ni Kenjie na parang hindi mapakali sa kanyang inuupuan.

Please Save MeWhere stories live. Discover now