Chapter 60

2.6K 121 41
                                    

WARNING:

This chapter contains mature scene that is not suitable to readers below 18. Read at your own risk.

PATRICK

Today is finally Saturday and I am very excited kasi ngayon kami pupunta ng beach para i-celebrate ang birthday ni Zedrick bukas.

Maaga talaga akong gumising kasi hinanda ko pa 'yung mga damit ko na dadalhin doon kasi 'di ako nakapag-impake. Ang dami ko kasing ginawa sa school kahapon, kaya ang ending, pagkauwi ko sa bahay, deretso akong nahiga sa kama at nakatulog. 'Di na nga ako nakakain ng dinner eh.

Nang matapos sako sa paglalagay ng mga damit sa maleta, bumaba na ako para mag-almusal. Dinamihan ko talaga 'yung kain ko kasi gutom na gutom ako. At dahil nga ako 'yung dakilang tagahugas dito sa bahay, ako 'yung naghugas ng pinagkainan naming tatlo nina mama at papa.

Nagpahinga muna ako ng konti bago nagpasyang maligo. Dapat by 9:00 ay tapos na ako kasi susunduin ako dito ni Kenjie.

15 minutes before ang alis ko, ready na ang lahat-lahat at naghihintay na lang akong dumating si Kenjie. Tumawag ako sa kanya at sabi niya naman na papunta na raw siya rito sa bahay. 10 minutes later, dumating na nga siya kaya naman nagpaalam na ako kina mama at papa at sumakay na sa kotse ni Kenjie.

Tahimik lang ako sa kalagitnaan ng byahe at inaaliw ang sarili ko sa magagandang tanawin na nadadaanan namin. 5 hours daw ang byahe sabi ni Kenjie kaya titigil kami mamaya kung may madadaanan man kaming restaurant para kumain ng lunch.

"You can sleep if you want. May neck pillow sa backseat. Gigisingin nalang kita mamaya."

"Sige."

Kinuha ko ang neck pillow sa likod at isinuot iyon sa leeg ko. Ipinikit ko ang mga mata ko at kaagad na nakatulog.

Nagising ako nang tapikin ni Kenjie ang mukha ko. Idinilat ko ang mga mata ko at napatingin sa labas.

"Malayo pa ba tayo?"

"Yup. 2 hours pa ang babyahiin. Tara, kumain muna tayo."

Tumango ako at kaagad na bumaba ng sasakyan. Nasa parking lot pala kami ng isang mall.

Naglakad kami ni Kenjie papasok ng mall habang magkahawak ang mga kamay. Namula kaagad ako kasi halatang kinikilig ako.

"Okay ka lang?"

"A-ah oo hehe."

"Namumula ka kasi."

"H-hindi ah." Sabi ko at kaagad na iniwas ang tingin ko sa kanya.

"Saan mo gustong kumain?"

"KFC tayo. Trip ko kumain ng fried chicken ngayon hehe."

"Sure, tara."

Pumasok kaming dalawa sa restaurant ng KFC at kaagad akong pumila

"Ako na ang oorder. Treat ko ngayon."

"You sure? Ako na."

"No, ako naman. Maghanap ka na lang doon ng seat. Ano nga pala ang gusto mo?"

"Fried chicken at burger na lang."

"Sige."

Nung ako na ang nasa harap, umorder na ako at nagbayad. Umalis ako sa pila at hinanap si Kenjie. Nakita ko naman kaagad siya at naglakad papalapit sa kanya.

"Let us wait na lang. Iseserve nila 'yun mamaya." Sabi ko at naupo na.

"Si Zedrick pala, asan?" Tanong ko.

Please Save MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon