Chapter 36

1.2K 79 12
                                    

PATRICK

Today is our last day dito sa Boracay. I don't know kung masasabi ko ba talagang nag-enjoy ako sa field trip na ito. Na trauma kasi ako sa nangyari that night. But I remained myself calm and taught myself to enjoy na lang. Isang linggo lang kami dito so I should enjoy every single minute that passes by.

And today is our last day. Uuwi na kami mamayang hapon kaya naman tinudo na namin ang paggala. Nakaabot kaming anim sa mga mall at amusement parks sa Boracay.

By the time na mag-4:00 na, umuwi na kami sa hotel.

Naka-aarange na 'yung mga damit ko sa bag. Ready na lahat by the time na nakabalik kami sa hotel. Lumabas ako ng room namin habang suot-suot ko ang bag ko na may mga damit. Nilock ko ang pinto kasi wala naman nang tao. I don't know kung asan 'yung tatlo.

Bumaba ako ng ground floor at naabutan ko doon si Jared. Lumapit ako sa kanya at ngumiti.

"See you sa campus." Sabi niya.

"I will miss this." Sabi ko naman sabay nilibot ang tingin sa paligid.

"Same. Labas na tayo. Andun na ang mga kaibigan mo sa labas."

Lumabas kami ng hotel kasama ang mga iba pang estudyante. Nakita ko sila Alexa na paakyat na sa bus ng section namin.

"Paano ba 'yan? Una na ako. Kailangan ko pang bilangin 'yung mga classmates ko para masiguradong walang maiiwan." Sabi ko kay Jared.

"Sure. Kitakits sa campus."

"Kitakits!"

Humiwalay na ako kay Jared at umakyat na sa bus ng section namin. Binilang ko ang mga kaklase ko. Thank God at walang kulang kaya naman naupo na ako sa tabi ni Alexa. Sa gilid niya ay si Sam.

Bandang 5:00 ng hapon nang magsimulang umandar 'yung bus. Kinuha ko ang earphone ko sa bag at inilagay sa tenga, nagpatugtog at ipinikit ang mga mata.

Nagising ako nang maramdaman kong may tumatapik sa mukha ko. Si Alexa pala iyon at nasa airport na kami.

"Ito nga pala 'yung pagkain mo. Sa eroplano nalang tayo kumain."

Tinanggap ko 'yung pagkain na binigay ni Alexa at bumaba na kami ng bus. Tumakbo kami papunta ng eroplano at kaagad na naupo sa tabi nila Shane.

Pagkaupo ko ay kaagad kong binuksan ang styrofoam at kaagad na nagsimulang kumain. Kumakalam na rin kasi ang sikmura ko kaya 'di na ako makapaghintay.

Nagsimula na ring kumain sina Alexa pati ang mga ibang estudyante. Maingay dito sa loob as usual. Pero tatahimik din naman 'to lalo na kapag nasa kalagitnaan na ng byahe.

Natapos kaming kumain lahat at nagsimula nang umandar ang eroplano. May movie na pinapalabas sa screen sa harap namin na nakakabit sa upuan ng mga pasahero. 'Di naman ako interesadong manuod kaya kinuha ko na lang ulit 'yung earphone ko at nagpatugtog.

Ganuon lang ako buong byahe hanggang sa makarating kami ng Manila. Sumakay kami ng bus by section as always pabalik ng campus.

Nakarating kami sa campus bandang 10:00 na ng gabi kasi naabutan pa kami ng traffic. Pagod na pagod ako sa byahe kaya naman para akong sabog na naglalakad papunta sa dorm namin ni Kenjie.

Nang makarating ako sa room namin ay kinuha ko ang susi sa bag ko at binuksan ang pinto. Pumasok ako at pabagsak na nahiga sa kama ko. 'Di ko na alam ang susunod pa na nangyari basta ang alam ko lang ay kaagad akong nakatulog.

~~~

Nagising ako kinabukasan bandang 8:00 na ng umaga. Sabado naman kaya 'di ako dapat mag-alala kung tanghali na ako magising. Napatingin ako sa higaan ni Kenjie at nakita ko siyang mahimbing na natutulog doon.

Please Save MeWhere stories live. Discover now