Chapter 50

1.2K 74 5
                                    

PATRICK

"Bilisan niyong magbihis!" Sigaw ni Sam na inip na inip na sa kahihintay sa labas ng banyo. Ang taas na nga ng pila.

Bwiset naman kasi 'yang singing contest, bakit ngayon gaganapin? Akala ko ba sa Thursday pa? Hayssst! Huhuhu. 'Di pa ako ready eh!

Maya-maya pa, lumabas na si Alexa at 'yung kasama niya sa loob ng banyo. Nakatanggap naman siya ng palo sa braso ni Sam.

"Aray!"

"Ang tagal niyong magbihis! Halika na Jasmine!" Sabi niya sabay hinila si Jasmine, kasama namin sa Music Club, at pumasok silang dalawa sa loob ng banyo.

"Wala na bang ibang banyo? Ang dami pa nating magbibihis oh!" Reklamo ni Rasha, kasama din namin.

"Ay hala girl, kung nagmamadali ka talaga, gamitin mo 'yung banyo sa labas. Ewan ko na lang kung makakalabas ka pa doon dahil sa baho." Sabat naman ni Lily.

"Ay wow! Bakit, 'di rin ba kayo nagmamadali? Hello? 30 minutes nalang natitirang oras natin! Dapat by this time, andun na tayo sa venue!"

"Wala tayong magagawa niyan girl. Maghintay nalang tayo."

"Kung bakit ba naman kasi pabigla-bigla 'yung announcement." Bulong ko na narinig pala ni Nikko sa likod ko.

"Kaya nga. Wala rin 'yung partner ko today. Ako lang mag-isang kakanta." Sabi ni Nikko na ikinagulat namin.

"Hala oo nga no! Ngayon ko lang napansin na wala pala si Yve, paano ka niyan?" Tanong ni Rasha.

"I don't know. 'Di na lang siguro ako magpeperform."

"Hoy hindi pwede! Teka nga, asan ba si Yve?"

"Andun siya sa bahay ng grandmother niya kasi nagkasakit ito. Walang maiwanan kaya 'di siya makakapunta today."

"Wala ka bang ibang maisip na substitute kay Yve? Marami namang babae diyan na tapos na magperform." Suhestiyon ko. Tumango naman sila Rasha at Lily.

"I was thinking na ikaw sana ang gagawin kong substitute ni Yve."

Nagulat ako sa sinabi ni Nikko. Pati sila Rasha at Lily ay gulat din na napatingin sa akin.

"B-b'at ako?"

"Well, I think it would be great to sing this song with you. I personally like it when we do a duet. Remember 'nung birthday ko, we do a duet that time hehe."

"Ay oo, naalala ko 'yun. Maganda 'yung duet niyo that time Pat."

Ayoko! Huhuhu.

"Sige na Pat, pumayag ka na. Sayang naman kung wala tayong representative sa Duet Singing."

"Pero lalaki ako."

"Ano ka ba! Okay lang 'yan!"

Napatingin ako kay Nikko at nakatingin lang siya sa akin habang hinihintay ang desisyon ko.

Sigh.

Why do I feel like this will going to be awkward? Maybe because wala na akong feelings na nararamdaman sa kanya?

"S-sige."

"Yes!"

Nagulat ako nang bigla na lang niya akong niyakap.

"S-sorry." Paumanhin niya nang maghiwalay kami.

"Okay lang." Sabi ko at humarap na.

~~~

Kasalukuyan kaming nandito sa backstage kasi kami na ang susunod na magpeperform. Kinakabahan ako pero mas kinakabahan ako sa magiging performance namin mamaya ni Nikko.

Please Save MeWhere stories live. Discover now