Chapter 27

1.3K 83 15
                                    

PATRICK

"Ngayon ang alis niyong dalawa?"

Napatigil ako sa pagmumuni-muni at tiningnan si Sam na ngayon ay kumakain ng ice-cream. Nandito kami sa park malapit lang sa campus at nagpapahangin.

Sabado ngayon at ngayon gaganapin ang sinet na blind date ni Ate Trisha para kay Kenjie. Tapos ngayon din mangyayari ang pagiging waiter ko. Nakaka-excite diba? Kinareer ko na talaga 'yung pagiging utusan dito eh.

"Yup. Tapos bukas pa kami uuwi. Malayo siguro dito ang venue nung blind date nila."

"Napansin ko lang Pat ha? Masyadong mahangin at napakabossy niyang roommate mo. Porket ba magulang niya ang nagmamay-ari nitong school na pinapasukan natin, may karapatan na siyang pagtaasan ako ng boses? Kung 'di lang talaga ako nakatiis 'nung hapon na ipinagpaalam ka niya sa akin, nakatikim na 'yun ng sapak ko. Pasalamat siya at 'di umiral 'yung pagka-bitchesa ko."

Sigh. Galit nga siya kay Kenjie. Eh sino ba naman kasi ang hindi magagalit kay Kenjie kung ganun 'yung ugali niya diba? Ewan ko ba at kung bakit nakatiis ako sa ugali niya. Siguro immune na ako.

"Kung 'di mo pa sinabi sa akin kahapon na ginagawa ka niyang utusan sa loob ng dorm niyo, 'di ko pa malalaman. Ang laki mong tanga Patrick." Dagdag niya pa.

Hay nako! Ito na naman kami. Napag-usapan na namin 'to kahapon eh.

"Ano namang tanga 'dun eh 'di naman ako naging utusan niya for free? At tsaka minsan lang naman 'yun mang-utos sa akin. 'Yung main task ko kasi is ipagluto siya ng breakfast at dinner, 'yun lang. 'Di niya naman ako inuutusan na labhan din pati 'yung mga damit niya o 'di kaya naman ay plantsahin 'yung susuotin niyang damit. At tsaka isa pa, sabi ko naman sayo kahapon diba na kapalit 'nun is malilibre ako sa lahat ng gastusin ko."

"Ah basta! 'Di talaga ako sang-ayon diyan. Ang laki naman ng allowance mo, ba't ka pumayag?"

"Nagtitipid ako sa future ko and also in case of emergency, may magagamit kaagad ako. Alam mo naman diba na pangarap ko ang makapagtapos at makapaghanap ng trabaho para matulungan ko sina mama at papa sa lahat ng paghihirap nila sa akin?"

Nakita ko naman siyang napabuntong-hininga.

"Concern lang naman ako sayo Pat. Paano kung inaabuso niya 'yung kabaitan mo. Knowing you, alam kong 'di mo kayang ipaglaban ang sarili mo kung wala kami."

"Hoy marunong kaya ako! Ang sa akin lang naman, 'di kasi ako mahilig sa gulo. Isa iyan sa pinakaayaw ko. Kaya kung posible na maiwasan, ako na mismo ang iiwas." Sabi ko naman.

'Di naman na siya sumagot. Tahimik lang kaming dalawa na pinagmamasdan ang mga batang naglalaro. Nakangiti ako habang pinagnamasdan sila. Naalala ko kasi sa kanila ang sarili ko 'nung bata palang ako.

"May isa pa akong napansin sa kanya Pat."

Naputol ang panunuod ko sa mga bata at kunot-noong tiningnan si Sam. Ang dami niya naman atang napansin kay Kenjie?

"Ano 'yun?"

"'Di ako sigurado eh. Kaya secret nalang muna."

Oh diba? Pinaalam niya pa sa akin tapos 'di niya pala sasabihin. Nabuhay tuloy 'yung curiosity ko. Pero 'di ko naman siya mapipilit kaya useless lang kung pipilitin ko pa siyang sabihin kung ano ang napansin niya kay Kenjie.

2:30 ng hapon, kasalukuyan akong nandito sa loob ng room namin ni Kenjie at naghihintay na matapos siyang maligo para naman ay makaalis na kami.

Nakaupo lang ako sa couch habang nanunuod ng TV nang bumukas ang banyo at iniluwa 'nun si Kenjie, as usual, tanging tuwalya lang ang takip sa katawan.

Please Save MeWhere stories live. Discover now