Chapter 38

1.2K 80 14
                                    

PATRICK

"Kain ka pa Patrick, 'wag kang mahihiyang kumuha." Sabi ni Tita Helena.

Ngumiti naman ako kay tita at nagpatuloy sa pagkain. Katabi ko lang si Kenjie at tahimik itong kumakain habang ako naman ay panay sagot sa mga tanong ng parents niya.

Waaaah! Busog na busog na ako huhuhu. Kaso marami pa akong hindi natitikman. Pwede bang magtake out? Hehe.

"Ito kanin, Pat. Alam kong nagugutom ka pa." Sabi ni Tita Helena at nilagyan ng kanin 'yung pinggan ko.

Huhuhu. 'Di ko alam kung kaya ko pa ba 'tong ipasok sa tiyan ko. Ang hirap naman kasi umayaw, nahihiya ako.

"Mom, he's full already." Sabi ni Kenjie.

"Is that so?"

Tumango naman ako at ngumiti ng pilit. Huhuhu. Busog na talaga ako. Feeling ko ang taba-taba ko na.

"Well may dinner pa naman mamaya. Dito ka ulit kumain ha?"

"P-po?!"

Hala siya! Ayoko no! Nakakahiya!

"Doon na lang kami kakain sa dorm." Sabat na naman ni Kenjie.

"Ganun ba? 'Di bale, papabaunan kita nitong luto namin ni Britney."

"S-sige po!"

Yay! Makakakain ulit ako ng luto nila mamayang gabi. 'Di ko na pala kailangan magluto ng ulam.

Nang matapos kami lahat kumain ay nagbulontaryo akong maghugas ng pinagkainan namin kaso pinigilan ako ni Tita Helena. Sabi niya na 'yung mga katulong nalang daw nila ang maghuhugas. Ayoko namang magpumilit pa kaya andito ako ngayon sa sala kasama si Kenjie.

Asan kaya sila Tita Helena? Bigla na lang kasing nawala.

"Pagpasensyahan mo na si mommy. Ganun lang talaga 'yun kapag may bisita dito sa bahay."

Ngumiti naman ako sa kanya.

"Okay lang. Ang bait pala ng parents mo 'no?"

"Tch. Sayo lang naman sila mabait."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin?

"Bakit? Pinapagalitan ka ba palagi ng magulang mo?"

'Di niya ako sinagot bagkus ay nakatuon lang ang kanyang atensyon sa TV. 'Di na lang ako nagtanong pa at nanuod na lang din ng TV.

"Sir Patrick, pinapapapunta po kayo ni Maam Helena sa library." Sabi ni Britney.

"P-po?"

Kunot-noo kong tiningnan si Kenjie. "May library kayo dito?"

"Britney, pakisamahan siya sa library." Utos niya kay Britney.

So may library nga sila dito?

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa sofa at lumapit kay Britney. Umakyat kami papuntang second floor at hinatid niya ako sa room sa pinakadulo ng hallway.

Please Save MeWhere stories live. Discover now