Chapter 39

1.2K 83 17
                                    

PATRICK

"Wala ngang nararamdaman si Kenjie sa akin, ba't ayaw niyo maniwala?" Inis kong tanong kay Sam at Alexa.

Andito kami ngayon sa ilalim ng puno ng mangga sa garden malapit sa classroom namin at nag-aaral sa test namin sa next subject. Sila Shane naman ay andun lang nagpaiwan sa classroom.

"Okay, so sinabi ni Kenjie sayo mismo na wala siyang gusto sayo?" Tanong ni Sam.

"Oo."

"Naniwala ka naman?" Tanong ni Alexa.

"Eh sabi niya eh."

"Malamang sasabihin niya talaga 'yun! Ikaw ba naman magkagusto sa taong 'di ka magugustuhan pabalik, magsisinungaling ka talaga. Kung ako 'yun, 'di rin ako aamin 'no! Ba't ako aamin kung alam ko namang masasaktan ako diba?"

"May point si Alexa. And besides, kita mismo ng mga mata ko kung paano ka tingnan ni Kenjie. I can see in his eyes how much he loves you. Duh? Never akong nagmimintis sa mga hinala ko 'no?" Sabi ni Sam.

"Weh? Never talaga? Sige nga, may hinala ka ba kung sino 'yung crush ko?" Tanong sa kanya ni Alexa.

"Hinahamon mo ako girl? Baka pagsinabi ko ngayon din kung sino 'yang pinagpapantasyahan mo simula 'nung magstart ang klase, matameme ka diyan?"

"Ay 'wag mo na lang palang sabihin."

Natawa naman ako doon. Alam na rin siguro ni Sam kung sino ang crush ni Alexa.

"Anyway, 'di talaga ako naniniwala na walang nararamdaman si Kenjie sayo. You mention to me kahapon na pumayag si Kenjie na magpatutor basta ikaw ang magtuturo sa kanya. Diyan pa lang, dapat alam mo na 'yan! Ang tali-talino mo pero pagdating sa ganito, ang bubo mo. Kung subject lang siguro ang pag-ibig tapos ako 'yung teacher mo, kanina pa kita binagsak."

Grabe naman 'tong si Sam. Ang sakit mangreal-talk.

Huhuhu. 'Di ko alam kung tama ba 'tong pinasukan ko. Sana pala 'di nalang ako pumayag na maging tutor ni Kenjie. Pero sayang 'din yung sweldo ko, hehe.

"Ngayon kayo magsisimula?"

Tumango ako. Ngayong araw ako magsisimulang magturo kay Kenjie at kinakabahan ako. Magtuturo lang naman ako diba? Huhuhu.

Natapos ang break time namin at kasalukuyan kaming nagtatake ng test.

Habang nagtatake ng test, bigla na lang umikot ang paningin ko kaya ipinikit ko kaagad ang mga mata ko. Damn! 'Di ako makapagfocus bigla!

God! Ba't mukha ni Kenjie ang nakikita ko sa test paper ko?! Huhuhu! Sinong kumulam sa akin? Waaaah! Help!

"Mr. Santiago, are you alright?" Tanong ng Professor namin.

"Y-yes maam."

"Psst! Anyare sayo?" Mahinang tanong sa akin ni Shane. Doon ko lang din napansin na nakatingin din pala sila Sam sa akin.

"W-wala. Nahihilo lang." Pagpapalusot ko.

Waaaah! Umalis ka muna sa isipan ko Kenjie, pwede ba?! 'Wag kang magulo, 'di ako makapagfocus!

"Mr. Santiago, I suggest you stop answering your test paper right now and I'll escort you to the clinic. You look pale."

"O-okay lang po ako maam."

Pinilit kong i concentrate ang sarili ko at nang sa tingin ko ay okay na, nagpatuloy na ako sa pagsagot.

Nakahinga naman ako ng maluwag nang matapos ako sa pagsasagot sa test namin 2 minutes before mag-time. Nasa labas na sila Sam kanina pa at kaunti nalang kaming naiwan sa loob.

Please Save MeOù les histoires vivent. Découvrez maintenant