#89 The Preparation

107 9 7
                                    

Paglipas ng dalawang taon.

Well, well, well, bebe, bagay na bagay mo talaga yang suot mo. Parang ikaw ang ikakasal ah.” sabi ni Jerimae habang nagpapa-make-up sa bakla. “Aba siyempre parang praktis na rin to kapag tayo naman ang ikinasal hahaha!” sabi naman ni Brent. Dumating naman si Cleo at nakisali sa usapan. “Pero hindi ko pa rin talaga akalaing ikakasal na pala talaga sila” sabi ni Cleo.

Biglang pumasok naman si Ace. “Ui malapit na raw mag-umpisa, bilisan niyo na diyan!” sabi ni Ace at sabay nagbitiw ng flying kiss para kay Cleo. “Teka saglit lang kamo, nagpapabili pako ng shampoo sa kapatid ko maliligo palang ako.” sagot naman ni Brent ngunit sadyang minamadali na sila kaya naman pumunta na sila kahit hindi pa nakaligo si Brent. Pero bakit naman kasi nagbihis na agad siya gayung di pa pala siya nakaligo?

Sa isang beach gaganapin ang wedding. Handa na ang mga bulalak. Nakapagpolbo na ang pari. Naitaboy na rin sa kabilang isla ang mga pinaghihinalaang may balak tumutol sa kasal.

Lights! Camera! Action! Wait, was that right? Well, televised ang kasalang ito! Aba syempre naman, kasalan ito mula sa kwento ni Rudy Rico Castillo kaya dapat engrade ito.

Ang Pangarap Mong Love StoryWhere stories live. Discover now