#13 The Chase

281 16 13
                                    

Dinampot ni Viviene ang naiwang bulaklak ni Ace at umuwi na rin ang dalaga. Sa kanyang pag-uwi ay hindi inaasahang nakasalubong niya si Jerimae, ang babaeng hinahabol-habol ni Ace.

Nagpatay-malisya si Viviene para hindi siya mapansin ni Jerimae at sinundan niya kung saan patungo ang malditang babaeng ito.

Noong una ay tila maayos ang naging pagmanman ni Viviene kay Jerimae ngunit nung kinalaunan ay napansin ng ating bida na tila napapadpad sila sa mga hindi kanais-nais na lugar. Madilim, masukal, at punong puno ng upos ng sigarilyo kung saan-saan. Ito yung mga lugar na kung saan ang iisipin mo agad ay teritoryo ng mga gangster.

Tumigil sa paglalakad si Jerimae at tila may sinenyas sa kung saan. Pagkalipas ng ilang sandali ay may biglang lumapit kay Viviene at ginamitan ito ng isa sa mga pinakagasgas na paraan ng panghoholdap, ang mahiwagang panyo na nagpapatulog.

Nasa teritoryo nga si Vivene ng mga gangster! Who could have thought that?!

Ang Pangarap Mong Love StoryWhere stories live. Discover now