#10 And Poof!

345 19 13
                                    

Panibagong araw sa paaralan, panibagong pagkakataon para kay Viviene na tuparin ang kanyang pinapangarap na love story. At sa araw na ito, isa lang ang nais mangyari ni Viviene, ito ay makita si Ace at pakunwaring aksidenteng itatapon ang kanyang iniinom na kumukulong ice-cold coffee sa binata.

At siyempre, ano pa nga ba mangyayari, kesa naman maglagay ako ng kung anu-anong fillers sa kwento, dumating ang lunch break at nakita ni Viviene si Ace sa cafeteria. Dali-dali namang bumili ng ice-cold coffee si Viviene at ipina-microwave ito.

Pasimpleng nilapitan ni Viviene si Ace upang ibuhos sakanya ang kumukulong ice-cold coffee. And poof! It became Koko Krunch! Nadulas si Viviene at imbes na kay Ace matapon ang kanyang inumin, ang naging biktima ay ang janitor na sa tingin ko ay karapat-dapat naman maparusahan dahil ‘di siya naglilinis ng tama. Nadulas pa tuloy ang ating bida dahil sa janitor na ito at naging epic fail na naman ang plano ni Viviene.

Nakaalis na si Ace at hindi man lang sila nakapag-usap ni Viviene.

Ang Pangarap Mong Love StoryWhere stories live. Discover now