#72 Six Degress of Separation

128 8 4
                                    

Binatukan naman ni Zeek si Le Beaux Quixote IV sa tagiliran upang makawala sa pagkakayakap nito. Dumeretso naman na si Le Beaux Quixote IV sa pinakamalapit na veterinarian upang magpagamot. Dali-dali niyang sinubukang sundan ang dalawa ngunit bigo ito.

Habang patuloy na naghahanap, nakasalubong naman ni Zeek ang kanyang kaibigan na si Ace. “Ui Zeek, parang gumwapo ka na naman ah. Pero sorry, kami na ni Cleo eh. Musta na pala?” tanong ni Ace. “Kailangan mo akong tulungan! Nakid – er, na-teenagernap si Viviene!” sabi naman ni Zeek habang hinahabol ang kanyang hininga. At ikinwento ni Zeek ang nangyari.

Hindi malaman ni Ace ang kanyang sasabihin dahil nakalimutan niya kung ano ang nakasulat sa kanyang script. Hindi kaya si Ace ay nahawa na sa amnesia ng kanyang boyfriend? Mabuti na lamang at ipinaalala ni Zeek ang dapat sabihin ni Ace bago pa tuluyan magalit ang director ng kwentong ito.

“Sige!” sagot ni Ace na napaka-ikli lamang pala ng linyang kanyang nakalimutan. 

Ang Pangarap Mong Love StoryHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin