#61 JSoXnTDIAJ134f8yd0-()@!

145 8 9
                                    

Nakapasok si Viviene sa bahay dahil hindi naman pala talaga ito nakakandado. Inutusan naman agad siya ng kanyang amo na linisin ang kwarto ng kanyang anak. Habang papasok, may tila pamilyar na boses siyang nadinig.

“Makinig ka! Oo, ikaw!”

Nanlaki naman ang tainga ni Viviene gaya ng sa unggoy at nakinig naman siya ng mabuti.

“Mahal kita. Minahal kita. At patuloy kitang mamahalin.”

Napatakbo naman si Viviene para puntahan saan nagmula ang tinig na kanyang narinig.

“Sabi ko na eh! Jumong in the Palace yang pinapanuod mo! Yung kababata niya makakatuluyan niya diyan.” sigaw ni Viviene sa lalaking nanunuod nga ng Jumong in the Palace na halos hindi mo makita ang mukha dahil sa nakapatay ang ilaw.

“WHATDA?! Spoiler ka naman eh!” sagot namang sakanya nung binata.

Ang Pangarap Mong Love StoryWhere stories live. Discover now