#74 Ikuzo!

129 7 7
                                    

“Ayon sa pagkakatanda ko, sa mga ganitong may nangyayaring teenagernapping, kadalasan sa mga bodega sila nagtatago.” sabi naman ni Cleo na mukhang siguradong sigurado na sa kanyang alaala. “Pero saang bodega naman tayo maghahanap?” tanong ng matandang dalagang never nagkaboyfriend.

Well, sa bodegang malaki namin!” sabi ni Jerimae. Napaisip naman ang lahat kung bakit dun lamang dadalhin ni Ezekiel si Viviene. “Well, gustong yumaman ng kapatid ko kaya sobrang matipid yun. Hindi na yun magpapakalayu-layo dahil mahal na raw ang pamasahe.” sabi muli ni Jerimae at nagkasundo na ang buong grupo na puntahan nga ang bodega nila Jerimae.

 “Ezekiel! Alam kong nandiyan ka! Napapalibutan ka na namin kaya ibalik mo na samin si Viviene!” sigaw ni Brent habang naglalakad ang grupo papunta sa bahay nila Jerimae. Nagpapraktis pala muna siya ng kanyang sasabihin para naman maging mas intense ang mga mangyayari. Ngunit nung nakarating na sila sa bodega, inunahan siya ni Zeek sa pagsasalita.

“Ezekiel! Alam kong nandiyan ka! Napapalibutan ka na namin kaya sumuko kana at ibalik si Viviene!” sigaw ni Zeek at lumabas naman sa kung saan si Ezekiel hawak-hawak ang nakagapos na si Viviene.

Ang Pangarap Mong Love StoryWhere stories live. Discover now