#56 Albulars

163 9 9
                                    

“Oh my dear brother-in-law, are you okay? Are you hurt? I know some albulars that may or may not help you.” Pag-alala naman ni Brent na napa-Ingles na naman ng wala sa oras. Mabilis namang nakapaghanda ng wheel chair at dextrose itong si Brent na mukhang desedido talagang idala si Ezekiel sa albulars…este elbularyo. Sinabi naman ni Ezekiel na okay lang siya at kinausap niya si Viviene.

“Umh…Viviene…may nais sana akong sabihin sayo.”

“Ano yun, Ezekiel?”

“Umh…A-ako ang iyong se-secret admirer at nais sana kitang ligawan. P-pwede ba?” 

Facepalm. At sabay napatalikod ang dalaga. “OMG! Ito ba ang ibig niyang sabihin sa nais niya akong mas makilala pa? Pero wala naman siguro masama kung papayag ako dito? I mean, nasa page 56 na yung kwento ko pero loveless pa rin ako. Naunahan pa ako ng mga minor characters gaya ni Jessica at Drexler.” bulong ni Viviene sa kanyang sarili.

Tumango naman ng maraming beses si Viviene hanggang sa magka-stiff neck ito at tuluyan na siyang dinala ni Brent sa kakilalang albulars.

Ang Pangarap Mong Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon