Makalipas ang tatlong filler episodes ng One Piece, nagising na si Viviene. Siya ay, as usual, nakatali sa isang kahoy na upuan. Napapalibutan ng approximately 77.84 gangster. Nagpakita naman si Jerimae at nilapitan si Viviene.
“Well, well, well, sino ka? At bakit mo ako sinusundan?” tanong ni Jerimae na nahalata palang sinusundan siya .
“I guess kailangan kong alisin sa aking love list ang gangster. I will not date a gangster kung ganito rin pala sila. Gangster pa man din ang 2nd choice ko, 1st yung campus idol siyempre. Too bad wala akong sexy, sexy love.” bulong ni Viviene sa kanyang sarili.
“Bakit mo nagawa iyon kay Ace?! Bakit kailangan mo siyang saktan ng ganun?!” pagalit na tanong ni Viviene kay Jerimae.
YOU ARE READING
Ang Pangarap Mong Love Story
RomanceKiligin, matawa, mairita sa pinaka-mukhang ewan ng love story kuno na ito. Lahat ng kailangan mong malaman upang makamit ang iyong pangarap na love story ay makikita mo sa ibang kwento maliban dito. Pero wala naman mawawala sayo kung babasahin mo it...