#59 Cause Baby You're A...

151 8 10
                                    

At nung malapit na silang umangat sa tutok, nagsilabasan na ang mga makukulay na fireworks sa kalangitan. Manghang mangha si Viviene sa kanyang nakita kaso nanghinayang ito dahil mas maganda sana kung wala yung tint sa bintana ng Ferris Wheel, nagmukha tuloy monochrome yung mga fireworks.

“Nagustuhan mo ba Viviene? Inihanda ko talaga yun pag dating natin dito sa tutok. Sayang nga lang ‘di ko alam na tinted pala mga bintana nito.”

“Grabi ka naman pala mag-effort Ezekiel. Natouch ako dun, sobra.”

“May gusto sana akong itanong sayo.”

“A-ano yun?”

“Will you be my girlfriend?”

Lalong tumindi ang pagsabog ng mga fireworks na akala mo ay nasa music video sila ng Fireworks by Katy Perry. At ang sagot ni Viviene sa million-dollar question ni Ezekiel?

Hindi tumango si Viviene sa takot na baka magkastiff neck siyang muli kaya sinabi na lamang niya habang siya'y naluluha.

“YES.”

At sa wakas, binigyan na rin ng author si Viviene ng kanyang lovelife.

Ang Pangarap Mong Love StoryWhere stories live. Discover now