#75 Ang Nakaraan Ng Matandang Dalaga

120 8 6
                                    

“Sigurado kaba diyan sa pinagsasabi mo Mr. Average-looking guy? Tumingin ka sa paligid mo at alamin mo kung sino ba talaga satin ang tunay na napapalibutan!” pagmamayabang ni Ezekiel at unti-unti ng lumabas ang kanyang mga alagad kabilang na si Le Beaux Quixote IV.

“Ikaw!” sigaw ng matandang dalagang never nagkaboyfriend, “hindi ba ikaw yung carnapper na gustong kidnapin yung anak ko ngunit nabigo ka dahil kinarate ka ni Manny Pacquiao?!” dagdag pa nito. Nagulat naman si Ezekiel at biglang nakaramdam ng takot dahil sa naalala niya ang kanyang masamang karanasan. Inutusan naman ni Ezekiel ang kanyang mga alagad na patahimikin na ang matandang dalagang never nagkaboyfriend.

“Itigil mo na ito! May kailangan kang malaman! Matagal ko na itong inililihim sayo ngunit sa tingin ko ay panahon na upang malaman mo ang katotohanan.” sabi ng matandang dalagang never nagkaboyfriend. Napatigil naman ang lahat at nag-umpisang makinig sa tila isisiwalat na rebelasyon nito. “Makinig kang mabuti. Ako ang…ako ang tunay mong…INA!” sigaw ng matanda at tila huminto ang oras sa mga sandaling iyon at mukhang hindi pa tapos sa pagsasalita ang matandang dalagang never nagkaboyfriend.

“Tama ang narinig mo, ako ang tunay mong ina…Le Beaux Quixote IV.” sabi nito.

Ang Pangarap Mong Love StoryWhere stories live. Discover now