#45 Usapang Boyfriend With Jessica

203 9 7
                                    

Simula noon ay parati ng nakakatanggap si Viviene ng mga love letter sa kanyang secret admirer. Ngunit sino kaya ang nagpapadala ng mga ito? At bakit ang pangit ng kanyang sulat? Mas pangit pa kaysa sa author. Hindi ba niya afford magpaprint na lang? Alam kong mas romantic kapag hand-written pero kung ganon naman siguro kapangit ang sulat mo, di kana dapat manghinayang sa pagpapaprint.

Habang lunch break, kinausap naman si Viviene ng kanyang kaklase na si Jessica.

“Viviene, next week na pala yung search for the next campus heartthrob no? Sasali yung boyfriend kong si Drexler, pag cheer natin siya ahh” sabi ni Jessica. “Boy friend mo na si Drex? Ang bilis naman ata? Sorry pero sasali rin kasi best friend kong si Brent kaya siya pagcheer ko.” ganti naman ni Viviene. “Alam mo kasi kapag masyado kang mapili sa mga lalaki, baka maging matandang dalaga ka, sige ka!” banta naman sakanya ni Jessica.

*ting, dong, ding*

Bumalik na sa kanilang classroom sina Viviene at Jessica.

Ang Pangarap Mong Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon