#71 POWERHUG!

136 8 8
                                    

“Sino ka?! Huwag ka nga makialam dito!” sabi ni Ezekiel na tila naubusan ng originality kaya inulit na lamang ang sinabi nila Viviene at Le Beaux Quixote IV.

“My name is of no importance.” sabi naman ni Tontat na mukhang naubusan na rin ng originality dahil nakuha niya lamang yun sa linya ng Moogle sa Kingdom Hearts 358/2 Days. That’s a video game, by the way. Tinignan na lamang nila ang kanyang ID upang malaman ang kanyang pangalan na hindi raw malaga.

Zeek? Parang narinig ko na yung pangalan na yun dati ah…hindi ko lang maalala.” sabi ni Viviene at napakamot na lamang sa ulo si Zeek/Tontat. At sa maikling oras na nawala ang atensiyon sa kanila ni Zeek, hinila ni Ezekiel si Viviene at nag-POWERHUG naman si Le Beaux Quixote IV kay Zeek upang mapigilan siya sa tangkang paggalaw.

“Sa-san mo dadalhin si Viviene?!” tanong ni Zeek sa papalayong si Ezekiel na tangay si Viviene. Hindi magawang sundan ni Zeek ang dalawa dahil napakahigpit at napakalambing na yakap sa kanya. May pahaplos-haplos pa. “Bitiwan mo nga ako!” sigaw ni Viviene ngunit siyempre hindi naman siya bibitawan ni Ezekiel.

Tuluyan ng nawala sa mga paningin ni Zeek ang dalawa at si Le Beaux Quixote IV ay patuloy pa rin sa pagyakap sa kanya.

Ang Pangarap Mong Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon