#38 Throwback Two Days Ago

213 10 11
                                    

“Nangyari ito nung nasa cafeteria ka. May tila kakaibang usok na bumabalot sayo nung mga oras na iyon.” sabi ni Drexler na sa aking palagay ang dahilan ng kakaibang usok na iyon ay yung biniling kumukulong ice-cold coffee ni Viviene.

“At nung nadulas ka, iyon na ata ang pinakamagandang form ng pagkakadulas! Napaka-elegante. Kaya ayun, nainlove ako sayo.” seryosong pagkakasabi ni Drexler, “Kaya Viviene, pwede ba kitang ligawan?” dagdag pa nito.

(o_O)

Ito ang naging ekspresiyon ni Viviene sa kanyang narinig.

“Sorry, pero hindi naman ako desperado magka-lovelife, at hindi ko alam kung saan ka ika-classify sa lovelist ko. Kaya ayun, sorry pero ngayon palang binabasted na kita.” malupet na bitaw na salita ni Viviene.

Ang Pangarap Mong Love StoryWhere stories live. Discover now