#57 Gamot Sa Bukol, Meron Ka?

164 9 7
                                    

Unfortunately, hindi nagawang pagalingin ng albularyo ang stiff neck ni Viviene. Sa katunayan nga niyan ay nilagnat pa ang dalaga dahil sa mga kung anu-anong dahon na ginamit nito at kinailangan naman siyang maospital.

“Sorry Vivi-chan, kasalanan ko ang lahat. Dapat sa mas magaling na albularyo kita dinala.” pakunsensyang sabi naman ni Brent. “Ano kaba, wala kang kasalanan. Ako itong baliw na sobra kung makatango dahil lamang sa kinilig ako sa tinanong sakin ni Ezekiel.” sagot naman ni Viviene na hindi namalayang nasa tabi lamang palang niya si Ezekiel na mukhang lubos na nag-aalala para sa kanya.

“So, kinilig ka pala. Mabuti naman kung ganon.” sabi naman ni Ezekiel at naka-facepalm na naman ang dalaga. “Magpagaling ka agad ah, para paglabas mo makapag-date na tayo <3” dagdag pa ng bagong campus heartthrob na lalong nagpataas ng lagnat ni Viviene.

Isang linggo ring na-ospital si Viviene at walang pinalagpas na araw si Ezekiel dahil tuwing gabi ay bumibisita siya upang pagmasdan matulog si Viviene. 

Ang Pangarap Mong Love StoryWhere stories live. Discover now