#63 Randuhvooo

139 8 6
                                    

Dumating na rin ang pinakahihintay na pagkakataon ni Viviene, ang kanyang kauna-unang day-off. Nung una’y ayaw pa siya payagan mag day-off dahil nga isang linggo pa lamang siya. Ilang beses muna siyang nakipag-away kay Tontat bago siya tuluyang payagan.

“Ano ba yan, first date namin ngayon simula nung sagutin ko siya pero bakit late agad ang aking Romeo?” sabi ni Viviene habang naghihintay sa kanilang rendezvous. Woah, woah, did I just use that word kahit na hindi ko naman talaga alam meaning nun? At dahil walang magawa, nakinig na lamang si Viviene sa usapan ng dalawang mukhang mayaman na dalaga.

“Ui fren! Super kilig much ako kahapon! Tanong mo bakit. Tanong mo bakit dali! Dali na, itanong mo na! Sinagot ko na kasi yung manliligaw ko!” sabi ni babae #1 kay babae #2. “Ang bongga naman kasi nung proposal niya. Tanong mo kung ano ginawa niya. Tanong mo kung ano. Dali na, itanong mo na! Pumunta kami sa isang theme park na hindi ko pwede pangalanan due to legal reasons, tapos ayun, nung nasa carousel kami nun biglang may mga pumutok na kwitis! Inihanda niya pa raw yun para sakin! Ang sweet diba?” sabi ulit ni babae #1 kay babae #2 na hindi na nagawang makapagsalita.

Ang Pangarap Mong Love StoryWhere stories live. Discover now