#4 Mr. Bad Boy

498 21 15
                                    

“Ayan na! Ayan na! Magagalit na siya sakin dahil binunggo ko siya! Dapat maging suplado sa umpisa sa magiging leading man ko siyempre! Bad boy effect!” sabi ni Viviene sa kanyang isipan.

Ngunit taliwas sa inaakala ni Viviene, ang kanyang nabangga pala ay hindi si Ace kundi isa lamang sa mga kaibigan nito. Tinignan ng masama si Viviene ng kanyang nabangga at tila nais upakan ang ating bida ngunit inawat naman agad ni Ace ang kanyang kaibigan.

“Ano ba yan? Bakit mabait siya? Dapat bad boy ka Ace! Pero sige, sa susunod ikaw na talaga ang babanggain ko upang lumabas ang pagiging bad boy mo.” sabing muli ni Viviene sa kanyang sarili.

Umalis ng hindi humihingi ng patawad si Viviene sa kanyang nagbunggo at dumeretso na sa kanyang klase.

Ang Pangarap Mong Love StoryWhere stories live. Discover now