#28 Cleopatra

241 11 11
                                    

At nung tinignan ng mabuti ni Viviene ang kanilang bagong kaklase ay biglang nanlaki ang mga mata nito.

“Cle-cle-Cleo?!” gulat na pagsigaw ni Viviene sa kanyang isipan ngunit hindi niya ito magawang sabihin dahil sa sobrang pagkagulat.

Si Cleo ay ang tanging kalaro ni Viviene nung sila ay paslit pa lamang ngunit kinailangan nilang lumipat ng tirahan dahil daw walang malapit na Jollibee sa barangay nila ni Viviene.

Nag-hi rin naman si Cleo sa kanyang bagong mga kamag-aral. Ngunit dahil biglaan ang pagtransfer ni Cleo sa kalagitnaan ng semestre, wala pang nakareserbang upuan para sakanya kaya naman minabuti ng kanyang guro na sa banyo muna sa kabilang building siya umupo at i-live stream na lamang mula dun ang mga lessons para ngayong araw.

Nagpresenta naman si Drexler, isa sa mga kaklase nila Viviene, na siya na ang humawak ng camerang gagamitin sa live stream. Upang makatakas na rin siguro sa maaaring recitation.

Ang Pangarap Mong Love StoryWhere stories live. Discover now