#85 Stage Clear!!!

107 9 4
                                    

“ARGGG!!! Salamat Zeek, sisiguraduhin kong malalaman ng susunod na henerasyon ang iyong kadakilaan!”

“WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHH!!!!”

At tinamaan na nga ng hangin ng electric fan si Zeek. Mabilis na pinuntahan naman ni Viviene ang makapangyarihang makinang ito upang alisin sa pagkakasaksak. At muli silang naglakad pabalik.

“Umh, Viviene. Kaya ko na siguro maglakad sa sarili ko. Medyo naiilang na rin kasi ako. I mean, dahil siyempre na--nakaakbay ka…sa-sakin eh” sabi ni Zeek at dali-dali namang bumitiw si Viviene. Makikita naman tila may halong panghihinayang sa mukha ni Zeek.

Naghiyawan ng husto ang lahat nung makita nilang pabalik ang dalawa na akala mo ay nakita nila ang author.

Bumalik na sa dati ang lahat at pagkalipas ng ilang araw ay nakatanggap ng sulat si Viviene mula kay Zeek. Napansin ni Viviene na si Zeek pala ang kanyang secret admirer dahil sa pangit nitong sulat.

Ang Pangarap Mong Love StoryWhere stories live. Discover now