#58 Line Starts Here And All The Way There

147 8 9
                                    

Gaya ng naipangako ni Viviene, nag-date na nga sila ni Ezekiel. Nagtungo sila sa isang sikat na theme park.

Ngunit sa araw na iyon ay sakto naman palang nasabay sila sa field trip ng mga elementary at highschool students kaya naman inaabot sila ng mahigit isang oras sa pagpila bago makasakay sa bawat rides. Pero naging masaya pa rin naman sila dahil sa mga panahong nakapila sila ay nagkakaroon sila ng pagkakataon na makausap at makilala ang isa’t isa. Sumakit nga lang ang kanilang mga paa.

Ang last destination nila ay ang Ferris Wheel na inabot naman ng dalawang oras sa pagpila dahil sadyang napakatagal ng loading and unloading nito. Hindi pa nga sana sila makakasakay dahil sa napuno ito kaya naman minabuti nilang linlangin ang isang walang kamuwang-muwang na batang paslit at sinabing ang Ferris Wheel ang pinaka nakakatakot na ride sa lahat. Walang-wala ang roller coaster sa bilis at tindi nito. Naniwala naman ang bata at nakasakay na nga ang dalawa.

Napakaganda sana ng tanawing makikita nilang dalawa kung hindi lang sana tinted ang bintana ng Ferris Wheel.

Ang Pangarap Mong Love StoryМесто, где живут истории. Откройте их для себя