#23 Pwede Kaya?

235 14 14
                                    

Bumilis ang tibok ng puso ni Viviene.

Pwede kaya? Kami ng matalik kong kaibigan?

‘Yan ang tanong ni Viviene sa kanyang sarili.

“Hoy! Bakit ‘di kana kumibo diyan!” sabi ni Brent kay Viviene na labis na ikinagulat ng dalaga. Sinampolan tuloy ni Viviene ng isang sapak sa mukha si Brent. At nung sila ay kumalma na, naglakas na ng loob na tanungin ni Viviene ang kanyang best friend kung ano ba talaga ang nararamdaman nito para sakanya.

“Brent, masyado akong natouch sayo sa mga ginawa mo sakin ngayon araw kaya medyo nalilito ako…” sabi ni Viviene, “Napaisip tuloy ako, may gusto ka ba sakin?” dagdag pa nito.

“Hahahahahahahahahaha!” andaming tawa ni Brent mga sampu sa tanong sa kanya ni Viviene.

Ang Pangarap Mong Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon