#48 Dying Will Flames

180 11 10
                                    

“Sana sinabi mong humble ka nalang. Sorry but you are fired.” ganti naman ng bitter na matandang dalaga na sa tingin ko ay naghahalucinate na dahil hindi pa naman niya empleyado si Viviene para i-fire. At naglabas naman ng flame thrower mula sa kanyang likuran ang matandang dalaga at itinutok ito kay Viviene. Kaya pala fired.

Ngunit bago pa man maihaw si Viviene ay tumakbo na ito palabas. Sinubukan siyang habulin ng matandang dalaga pero may bumangga sa kanya na kung sino at nakatakas na ng tuluyan si Viviene.

“Grabe naman yun, bakit may ganun? Naging action bigla ang love story ng buhay ko?” reklamo ni Viviene sa kung sino mang dakila ang nagsulat nito. Sa ‘di kalayuan naman ay may nakita muli siyang wanted sign.

Wanted: Housemaid/Personal Assistant

Dali-daling nag-apply si Viviene at natanggap siya kaagad kahit na hindi pa niya naipapasa ang kanyang resume.

Ang Pangarap Mong Love StoryWhere stories live. Discover now