#55 Si Author Na Ang Bahala

156 8 7
                                    

“Mukhang may bagong how are you letter ka naman, Vivi-chan!” sabi ng bestfriend ni Viviene na sobrang hilig makialam sa kahit anong bagay. “Che! Love letter na to no. Nga pala, congrats dahil 2nd Runner-up ka hihi.” sagot naman ng ating bida. “Si Drexler alalahanin mo, sobrang depressed siya ngayon dahil hindi man lang siya nabigyan ng certificate of participation kahit syota na niya yung isa sa mga judges. Nga pala kailan ka mag-umpisa sa trabaho?” tanong naman ni Brent. “Ewan ko sa author kung kailan balak niya.” sabi naman ni Viviene.

Sa mga panahong may mga nag-uusap na ganito, ano sa tingin mo ang madalas na nangyayari? Tama ang hula mo, may isang taong hindi inaasahang makakadinig ng pag-uusap. Nangyayari ito tuwing may mga sikreto silang gusto nilang walang makaalam pero lagi naman nila ito pinag-uusapan sa mga lugar na may maaaring makadinig. Parang baliw lang. Pero ano bang pinangangamba ko eh wala namang sikretong binulgar ang magbestfriend. Parang baliw lang talaga ako. Narinig ni Ezekiel ang kanilang usapan.

Well Kiel, ano ginagawa mo diyan?” biglang tanong ng isang babae kay Ezekiel na labis nitong ikinagulat kaya naman napalabas ito sa kanyang pinagtataguan at nadapa at tuluyang nakita na siya nila Viviene at Brent. “A-ate Jerimae?!” tanong ni Ezekiel na siya palang kapatid ni Jerimae na nangbasted kay Ace.

Ang Pangarap Mong Love StoryWhere stories live. Discover now