#60 Happy Labor Day

160 8 9
                                    

At dahil nga nakalabas na ng ospital si Viviene at nakapaglandi na rin ito sa kanyang bagong boyfriend, napagdesisyunan na ng author na mag-umpisa siya sa trabaho. Nangako naman si Viviene kay Ezekiel na magdedeyt sila ulit next week kapag day-off na nito.

Right after classes dumideretso na agad si Viviene sa kanyang trabaho bilang house maid.

“Knock, knock! Pero wala po akong joke!” sigaw ni Viviene sa gate at pinuntahan naman siya agad ng kanyang amo. “Eto ang susi, pumunta ka muna sa kabilang bayad para ipa-duplicate ‘to para makapasok kana, mukha kasing pagod ka galing school eh.” sabi naman ng kanyang amo. “By the way, di ko sagot pamasahe kaya maglakad ka na lang kung gusto mo.“ dagdag pa nito. “Pero bakit hindi nyu na lamang po ibigay sakin yang hawak nyo para makapasok na ako agad?” katwiran naman ni Viviene ngunit naglaho na akala mo’y may tinataguang bumbay ang kanyang amo.

Inabot ng dalawang oras ng paglalakad si Viviene upang mapagawan ng duplicate ang susi ngunit pagbalik niya ay nalaman niyang maling susi pala ang nabigay sakanya. Ang susi pala ng baul ng kayamanan nung amo niya ang nabigay sakanya pero syempre hindi naman ito alam ni Viviene. Unless gusto mong sabihin sakanya para naman maghati kayo sa kayamanan?

Ang Pangarap Mong Love StoryWhere stories live. Discover now