#54 Letter

161 9 8
                                    

Nagkita tayo kanina, grabi sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Ayun, kinumpleto mo na ang araw ko kahit umaga palang. Alam ko medyo naninibago ka ngayon dahil madalas puro pangangamusta lamang mga sulat ko sayo pero parang sa bawat araw na lumilipas ay unti-unting lumalalim ang pagtingin ko sayo.

Gusto sana kitang mas makilala pa. Nag-iipon lamang ako ng lakas ng loob.

Pero sa ngayon, ingatan mo muna ang iyong sarili. Kapag ako may nabalitaang masamang nangyari sayo, naku mapipilitan akong magpakilala sayo.                                                                                                                                                                                                                                                           -Secret Admirer

Hindi ko kayang mag-imagine ng isang tao na aabot sa tainga ang ngiti kaya sabihin na lang natin ang ngiti ni Viviene ay mula Batanes hanggang Jolo. I can perfectly imagine it. 

Pero sino nga ba ang secret admirer na ito? Wala ka pa ba talagang ideya? Secret admirer ba talaga siya o baka naman stalker lang?

Ang Pangarap Mong Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon