#40 Budget

218 11 6
                                    

Pumasok na ng bahay si Viviene na kinalimutan na lang ang mga nangyari.

Pagkapasok niya ay kanyang napansin na tila lumuwag sa kanilang bahay. Ang kanilang 55-inch flat screen TV ay naging 54-inch na lamang, nawala na rin ang bakya sa banyo, at yung beads sa tsinelas niya naging missing-in-action. Ilan lamang yan sa mga significant changes na napansin ni Viviene at kinausap na siya ng kanyang ina.

“Anak, kailangan na natin magtipid kaya ibinenta ko muna ang ilan sa mga mahahalagang gamit dito sa bahay, yung iba ibinarter ko.” paliwanag ng kanyang ina. Napabuntong hininga na lamang si Viviene at saka sumenyas na gutom na siya.

“Sa pagkain pala natin, kailangan din natin magtipid ulit kaya hindi na ko bumili ng bigas nagmahal daw kasi eh. Pero dinagdagan ko naman ang ulam natin wag kang mag-alala” sabi ng ina ni Viviene.

Nga pala, dating budgeting officer ng isang kumpanyang na-bankrupt ang ina ni Viviene.

Ang Pangarap Mong Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon