#80 Mahalagang May K!

118 8 4
                                    

“Zeek!” sigaw ng maluha-luhang si Viviene at pumasok na sa kanyang isipan kung san nga ba niya unang narinig ang pangalang iyon. “Zeek, yung alipores ni Ace na nabangga ko nung umpisa ng kwentong to? Pero hindi parin nun nasagot ang katanungan kung bakit ganito nalang ang malasakit niya para sakin.” dagdag pa ni Viviene.

“Wahaha! Nagawa ko ng talunin ang iyong Night-in-Shining Armor!” pagmamayabang ni Ezekiel. “Kulang ng K, Knight dapat iyun.” katwiran naman ni Viviene. “Knight naman talaga ang sinabi ko, yung nagtatype nito ang sisihin mo sa pagkakamaling iyon!” sagot naman ni Ezekiel. Sumigaw ng malakas si Viviene upang humingi ng tulong ngunit walang nakarinig sakanya dahil masyadong maingay ang kapitbahay nila Ezekiel na nagkakaraoke dahil birthday raw ng inaanak nito.

“Tagumpay! Wahaha! Ngayon kailangan na lamang kita iparansom para naman yumaman na ka–” ngunit hindi nagawang tapusin ni Ezekiel ang kanyang di umano sana’y winning speech dahil may humampas sa kanyang pwet. “Ikaw?! Papaano?!” tanong ni Ezekiel at saka siya muling nakatanggap ng isa pang hampas at tuluyan ng na-knock-out. Hindi na binanggit ni Zeek ang pangalan ng technique.

“Zeek!” sigaw ni Viviene na ikinagalit muli ng kapitbahay nila Ezekiel dahil sa nakakaabala raw siya sa party.

Ang Pangarap Mong Love StoryWhere stories live. Discover now