#3 Ang Pangarap Niyang Love Story

576 20 17
                                    

Kahit nagpapapangit, marami paring nais ligawan si Viviene, patunay lamang kung gaano ba talaga siya kaganda. Pero hindi sila pinapa-unlakan ng dalaga. Ang dahilan? Dahil hindi sila ang pinakagwapong lalaki sa campus. Madalas sa mga love stories, ang nakakatuluyan ng bidang babae ay yung campus idol and at the same time ay sobrang yaman dapat. Ang tinutukoy niya ay si Ace.

Hindi mapigilang kiligin ni Viviene tuwing naiisip niyang magagaya sa mga sikat na love stories ang kanyang sariling love story. Pangit ang babae, gwapo at mayaman ang lalaki, at mamamasukan bilang katulong ang babae. Ito ang plano ni Viviene. Hinango niya ito mula sa sikat na love story na may pinamagatang “Golden Gate Notebook na Ginawang Diary ng Panget”.

At para masabing mag-uumpisa ng gumalaw ang kwentong ito, isang araw, nagtagpo ang landas nila Viviene at Ace sa kanilang paaralan. Nung makita ni Viviene si Ace, tumakbo siya papalapit sa binata at sinadyang bungguin. 

Ang Pangarap Mong Love StoryWhere stories live. Discover now