#51 Ang Wallet Na Maswerte

165 9 7
                                    

Binalibaliktad na ni Viviene ang kanyang wallet ngunit wala itong laman. Dinapuan na si Viviene ng isa sa mga pinakanakamamatay na virus sa mundo, ito ang Mas-mahal-pa-ang-wallet-kesa-sa-laman-nito virus. Tunay nga namang nakakapanindig balahibo kung sayo iyo mangyayari.

Kinalkal na rin ni Viviene ang wallet ng kanyang katabi na akala mo ay close sila nito ngunit wala rin itong lamang kahit magkanong halaga maliban sa priceless at itinuturing na national treasure ng Pilipinas na selfie picture ng napakagwapong author. Sa sitwasyong ito, nakakahiyang gumamit ng mumurahing wallet para pagsidlan ng isang napakahalagang bagay. Ngunit dahil sadyang napakamaalalahanin ng author, hinayaan na lamang niya ito.

Iniligtas naman si Viviene ng taong naka-upo sa harapan at nagprisintang siya na ang magbayad ng napakalaking pagkukulang ni Viviene sa bansang Pilipinas, I mean sa drayber.

Pagbaba sa nakakapagod na paglalakbay na tumagal ng lumigi’t kumulang sampung segundo, pumasok na sa paaralan si Viviene.

Ang Pangarap Mong Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon