#76 Kailangan Pa Ba Talaga Ng Title?

120 8 6
                                    

“HUH?!?!” sigaw ng bawat tao sa bodega. Inakala nilang lahat na ang itinutukoy niya ay si Ezekiel. At dahil sa inis, iniutos ni Ezekiel na lusubin ang matandang dalagang never nagkaboyfriend. Nagsilbing kalasag naman niya ang kanyang di umano’y anak na si Le Beaux Quixote IV na sobra sobra kung makaiyak dahil sa kanyang nalaman.

Sadyang napakarami ng mga alagad ni Ezekiel kaya walang magawa ang grupo ni Zeek. “Bakit ba ang tagal niyong dumating!” sigaw ni Jerimae na tila may tinatawag na kung sino. And right at the very heat of the moment, bumukas ang pinto ng bodega at ayun na nga, dumating na ang tinatawag ni Jerimae, ang kanyang gangster group.

“Ahem, ahem…pasensya na late kami, young master Jerimae. Pero wag na kayong mag-alala, andito na ang gangster group na binuo ni young master Jerimae upang protektahan kayo. Tawagin niyo na lamang kami bilang…ar, ehm…Jerimae’s Gangster Group!” sigaw ng sangganong kasapi sa grupo ni Jerimae.

“WOAH! Ang astig naman nun! Napaka-clever naman ng tawag nila sa grupo nila. Jerimae’s Gangster Group! Sadyang inalis nila ang young master upang ipakita ang equality sa grupo! Young master Jerimae, hayaan mo akong sumali sa grupo mo pagkatapos nito ah!” sabi naman ni Drexler.

Ang Pangarap Mong Love StoryWhere stories live. Discover now