#25 Another Special Mention

233 14 15
                                    

“Tama ka nga, ang romantic nga naman nun sinakto niya pa talaga sa wishing well,” sabi ni Viviene, “pero sino ba ang maswerteng babaeng yan at nililihim mo siya sakin aber?” karagdagang tanong ni Viviene.

“Ang pangalan niya ay Jerimae.” proklama ni Brent.

“WHAT?! Si Jerimae?!” sigaw ng author na tila mas nagulat pa kesa kay Viviene at higit na nakabulabog sa kanyang mga kapitbahay.

“What a small world, kilala ko siya actually at alam ko kung bakit sa wishing well ka niya sinagot.” sabi ni Viviene. “Andito na pala tayo sa bahay niyo, Vivi-chan. Oh siya, kita-kits nalang tayo bukas ah!” paalam ni Brent kay Viviene.

Pumasok na ng bahay si Viviene na tila may mabigat na dinadala. Nabasa ng ulan ang kanyang mga gamit kaya siguro bumigat ang mga ito at higit pa dun, masyado siyang naapektohan sa sinabi sa kanya ng kanyang best friend.

Bigo na naman si Viviene. Panahon na upang alisin niya sa kanyang love list ang best friend.

Ang Pangarap Mong Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon