#70 Lines! Lines! Lines!

136 9 7
                                    

Sisigaw na sana sa sakit si Le Beaux Quixote IV ngunit naalala niyang hindi nga pala siya binalak bigyan ng kahit isang linya ng author kaya sinubukan na lamang niyang indahin ang sakit.

“Sino ka?!” biglang tanong ni Viviene na alam kong iniisip mong dapat si Ezekiel ang magtatanong nito. Hindi makilala ni Viviene si Tontat dahil may pagbabago sa panlabas na kaanyuan nito. Mas kuminis ang mukha, mas pumuti lalo na ang kanyang tuhod kahit na hindi naman ito makita dahil siya ay nakapantalon, gumanda ang hubog na katawan, at higit sa lahat, may bangs. Overall, masasabi nating above average na ang level ng kagwapuhan ni Tontat sa mga oras na ito.

“Huwag ka ngang makialam dito!” sigaw naman ni Le Beaux Quixote IV na alam kong iniisip mong dapat si Ezekiel ang magsasabi nito. Ay teka, saglit lang, hindi naman dapat magsasalita si Le Beaux Quixote IV! Tsk! He caught me off guard. Pero pramis, hindi ko na talaga siya bibigyan pa magkaroon ng pagkakataon para sa isa pang linya.

At inilabas naman ni Le Beaux Quixote IV ang kanyang ballpen at gumuhit ng linya sa sahig. Nabigo na naman si author na pigilan ang masamang balak ni Le Beaux Quixote IV. 

Ang Pangarap Mong Love StoryWhere stories live. Discover now