#50 Jeepney Love Story

164 9 8
                                    

Humingi ng tawad si Viviene sa kanyang bestfriend dahil sa naging busy ito masyado sa paghahanap ng trabaho kaya hindi niya nagawang manuod at masuportahan ito sa sinalihang pageant. Nais sana magtampo ni Brent ngunit napatawad naman niya si Viviene dahil pinasahan siya ng load.

Umpisa na naman ng panibagong araw at nagmamadaling sumakay sa pampasaherong jeep ang ating bida.

“Bayad ho, pakiabot, thank you…”

PARAAAAAAAAA!!!

“Ano ba yan manong, lumagpas tuloy ako!” galit na sabi ni Viviene sa drayber ng jeep.

“Aba, eh kung hindi ka ba naman adik, pasakay-sakay ka pa ng jeep eh nasa harap lang naman pala ng bahay niyo yung paaralan mo!” mas galit na ganti naman ng drayber na sa tingin ko ay may napakalaking point. Sinabi na lamang ni Viviene na nagmamadali siya kaya sumakay siya ng jeep at sinumbat naman ng drayber na kulang pala ng piso ang binayad ni Viviene.

Ang Pangarap Mong Love StoryWhere stories live. Discover now