#64 Justin Dahanburg

146 8 6
                                    

“Oh sige na nga, bakit ka super kilig much kahapon, babae #1?” delayed na tanong ni babae #2 kay babae #1 na siya palang tunay niyang pangalan. Weird but possible.

Hindi na masyado nadinig ni Viviene ang kasunod nilang pag-uusap dahil sa iniisip niya na tila pareho ang nangyaring proposal sa kanila ni babae #1.

“Could it be?” tanong ni Viviene sa sarili. At nung umalis na sina babae #1 at babae #2 para puntahan si babae #3, dumating naman si Ezekiel paglipas ng ilang minuto. “Pasensya na late ako ah, ang tagal kasi bumili ng shampoo nung kapatid ko eh” sabi ni Ezekiel na ang tinutukoy na kapatid ay ang kanilang bunso na si Sam. Hindi niya magawang utusan si Jerimae dahil nga sa gangster ito kaya natatakot siya.

“Pero di ba may sari-sari store naman kayo? Sabi mo pa nga kayo ang ika-26 na nagbukas ng sari-sari store diyan sa eskinita niyo and still counting.” sambit naman ni Viviene na hindi na gaanong pinansin ni Ezekiel.

Ang Pangarap Mong Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon