#39 Ganun Pala Ang Tipo Niya

208 10 7
                                    

Nasaktan ng husto ang carnapper sa ginawang pag-karate sa kanya ni Manny Pacquiao ayon sa pagkukwento nung matandang dalagang never nagkaboyfriend na kapitbahay nila Viviene. Pero teka, bakit ba bigla ko pang naisingit ito. Magfocus na nga lang tayo kina Drexler at Viviene.

Nasaktan ng husto ang damdamin ni Drexler. Pero may natanaw siyang babae sa isang banda na may bitbit-bitbit na dry ice. And poof! Nadulas ang babaeng ito sa nakakalat na balat ng prutas. Anong klaseng prutas ito? Tama ang hula mo, grapes.

Naging kasing pula ng krayolang kulay pula ang mukha ni Drexler at dali-daling nilapitan ang babae.

“Iyon na ata ang pinakamagandang form ng pagkakadulas ever! Napaka-heartwarming! Kaya ayun, nainlove ako sayo.” seryosong pagkakasabi ni Drexler, “Pwede ka bang maligawan?” tanong pa nito na sadyang kay bilis magbago ng damdamin. Sinampal naman agad siya nito.

Ang Pangarap Mong Love StoryWhere stories live. Discover now