#41 Ace Feeds

207 10 8
                                    

Habang tayong lahat ay busy sa pakikitsismis sa buhay pag-ibig ni Viviene, sa kabilang banda pala ay may isang kakaibang love story rin ang namumuong parang bagyo.

Si Ace muna ang bida ngayon.

Hindi nagpatinag itong si Ace sa mga masasakit na sinabi sa kanya ng kapatid ng kanyang minamahal, ang tinutukoy ko ay si Jerimae.

“Kinukulit na naman ako nung bakla mong manliligaw, gusto ka pa niyang bigyan ng bulaklak.” sabi ni Jerimae sa kanyang gwapong kapatid. “Sana kinuha mo para nakapagpatayo tayo ng flower shop business at yumaman.” sagot naman ng kapatid.

“Nga pala ate, mag-audition pala ako para dun sa movie na Nung Sumulat Ako Ng Love Story ni Rudy Rico Castillo, sana makuha ako bilang si Timothy Angelo para yumaman na tayo.” dagdag pa nito.

By the way, nangangarap lang po ako na magkakaroon ng movie yun.

Ang Pangarap Mong Love StoryWhere stories live. Discover now