#46 Curriculum Vitae

196 10 9
                                    

Pauwi na sina Viviene nung nakita niyang tila may naghahakot ng mga kagamitan sa kanilang bahay. Hindi pa rin kasi nakakahanap ng trabaho ang kanyang ama. Napaisip tuloy si Viviene na mukhang kailangang siya ang magtrabaho bago pa sila tuluyang mamulubi kaya minabuti niyang mag-apply na kung saan-saan.

Una siyang nag-apply sa Apple Corporation bilang Chief Executive Officer ngunit hindi man lang siya nakapasa sa preliminary assessments dahil nakita siyang gumagamit ng Android phone. Sumunod siyang nag-apply bilang Chief Justice ng Pilipinas ngunit siya ay naging over qualified. Nag-audition din sya sa The Voice ngunit hindi nagustuhan ng mga judges ang kanyang pagsayaw kaya naman bigo ang ating bida.

Wala na bang pag-asa si Viviene? Meron pa, dahil sa susunod na pahina ay naanyayahan si Viviene sa isa pang job interview. 

Ang Pangarap Mong Love StoryDonde viven las historias. Descúbrelo ahora