#52 Ang Bagong Campus Heartthrob

175 9 9
                                    

At para naman makabawi ang author sa kanyang protagonist dahil tila puro disaster na lamang ang dinaranas nito, ay biglang may makikita si Viviene.

Ang nakita ni Viviene ay ang mga tambalang Brent at Jerimae, Jessica at Drexler, at ang bagong-bago, mainit-init pa na Ace at Cleo.

“Shame! Si Ace at Cleo na? Grabi na talaga ang panahon ngayon.” sabi ni Viviene at may nakadinig na naman sa kanyang sinabi. “Kaya pala naging 1st Runner-up si Cleo, syota niya pa si Ace. Hahaha” sabi ng nakadinig kay Viviene. Tinanong naman ng dalaga kung sino ba itong lalaki na bigla na lamang umeksana at nung napatingin si Viviene sa mukha ng lalaking ito napansin niyang ubod pala ito ng gwapo. Mas gwapo pa kaysa kay Ace.

“Hindi mo talaga ako kilala?” tanong ng gwapong lalaki. “As far as my memory is concerned, wala naman akong amnesia gaya ni Cleo.” sagot ni Viviene.

“Ako to, si Ezekiel, ang bagong campus heartthrob ng paaralang ito. Fresh from winning the crown yesterday.” proklama ng binata.

Ang Pangarap Mong Love StoryWhere stories live. Discover now