#12 Higit na Nakakagulat

287 16 17
                                    

Hindi makapaniwala si Viviene sa kanyang nakita. “Ang pinakagwapong lalaki sa campus, na-basted ng ganun-ganun lang?” bulong niya sa kanyang sarili.

Pinuntahan naman niya ang binata at nagkunwaring hindi nakita ang mga nangyari.

“Hindi mo ata kasama ‘yung alipores mong cross breed ni King Kong at Donkey Kong?” pabirong tanong nito. Sinugurado muna ni Ace na wala ng bahid ng luha sa kanyang mukha bago siya lumingon at sagutin ang tanong ni Viviene.

“Ah, si Zeek ba? Nasa klasrum pa ‘yon, sensitive kasi ang balat niya sa araw kaya gabi pa siya umuuwi.” Seryosong sagot ni Ace. Mas higit na hindi makapaniwala si Viviene sa isinagot ni Ace kesa sa kanyang nasaksihan kani-kanina lamang.

“Yung kutis niyang parang tustadong uling, sensitive sa araw?! It can’t be!” sambit ni Viviene.

Ngunit tila wala sa mood makipagbiruan si Ace at agad itong nagpaalam.

Ang Pangarap Mong Love StoryWhere stories live. Discover now