THE ELEVENTH APOSTLE: AQUARIUS

141K 2.4K 309
                                    

THE ELEVENTH APOSTLE: AQUARIUS

"Kung sosolohin mo ang lahat ng bagay, you will always end up crying but then its okay... I will be here"

**********

AQUARIUS

Symbol: The Water Bearer

Element: Fixed Air

Angel: Uriel

Apostle: Thaddaeus-Jude

Character:

Aquarians are unusual people, each with his or her own brand of genius, insanity, and idealism. Highly independent, they are ingenious and inventive.

Source: Astrology for Enlightenment by Michelle Karen © 2008



**********

"Sa susunod na magkita tayo, please act na hindi mo ako kilala at ganun din ang gagawin ko. Act like I'm stranger in your eyes... Act na parang walang nangyari at panaginip lang ang lahat ng ito..."

Agad akong napabagsak sa sahig ng makauwi ako sa amin. I've tried my best na makarating hanggang dito.

I did the most stupid thing na pwedeng gawin ng kahit na sino kaya wala akong karapatan magreklamo o magtanong kung bakit ako nasasaktan ng ganito.

Ginusto ko ito, ito ang pinili ko pero ang sakit... sobrang sakit.

Hindi ko inakala na sa buong buhay ko, may isa akong taong papahalagahan at mamahalin na katulad nya at sa mga huling sinabi nya pakiramdam ko, mamamatay ako.

Bakit kasi kailangang pang humantong sa ganito? If it wasn't for her, Bloody Maria, hindi ko na kailangan pang saktan si Pierre.

She killed Liam at nakita yun ni Jireh and because of that, nabuo ang Helena Gang. I need to choose between them and Pierre.

Hindi ako pwedeng lumaban sa Apostle kung isa din akong Apostle at ganun din si Pierre. Kaya naman bago pa sya mas lalong masaktan, mas mabuti na iwanan ko sya.

Alam ko darating ang araw at malalaman na din nya ang totoo at sa oras na mangyari yun, magkikita kami na magkalaban na.

Bukod pa doon, si Dylan...

Alam ko ang kakayahan nya, hindi ko sya pwedeng hayaan lalo na at Apostles ang binabangga nila. Kapag nagkataon, baka pati ang kaibigan ko, mawala sa akin.

Sa lahat ng magandang nangyari sa akin, bakit kailangan doble ang sakit na bumalik?

"Bok?"

Napaangat ako ng mukha habang pinupunas ang luha ko. Nakasandal ako sa may pintuan at sa labas noon, naandoon si Dylan.

"Ok ka lang? Bigla ka na lang nawala kanina, nag-aalala ako sayo..."

Kahit lampa at duwag ang isang ito, alam ko na mabuti syang tao. Kaya nga rin siguro sumali sya sa Helena dahil ayaw nyang iwanan ang mga kaibigan nya, lalo na si Jireh kahit alam nya na mapapahamak sya.

"Bok, pwede mo akong kausapin. May problema ba?"

Mas lalong hindi ko napigilan ang pagpatak ng luha ko. Paano ko sasabihin sa kanya ang problema ko kung isa sya dun? Ayoko din naman syang saktan at lokohin.

"Bok"

Napahikbi ako, gusto kong ipagsigawan sa lahat kung anoman ang nararamdaman ko ngayon pero...

Apostle Thirteen: The Return of the QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon