Chapter 28: APPEARANCE

143K 2.5K 645
                                    

Chapter Twenty Eight: APPEARANCE

HOTEL

LYRA POV

Grabe, ang sakit ng katawan ko, bwisit na Akagi yun, nakalimutan kong bangasan kanina, masyado kasi akong natuwa kay Forex.

Hinubad ko ang damit ko at tanging bra at pangbaba lang ang naiwang suot ko. Agad akong nagtungo sa banyo, medyo humahapdi parin ang sugat ko sa twing madadampian ng tubig.

Umaayon lahat sa plano ko, konti na lang at alam kong kakagatin ni Capricorn ang offer ko sa kanya. Sya na mismo ang kikilos para sa akin. Sa ngayon ang dapat ko lang gawin ay maghintay hanggang sa matapos nya ang trabaho nya.

Napaangat ako ng mukha at sinalubong ang tubig mula sa shower. Pakiramdam ko pagod na pagod ang katawan ko sa araw na ito.

Sobrang dami ng nangyari, nakaharap ko si Isly at nakalaban si Capricorn pero ang higit sa lahat… nalaman ko na kapatid ko si Klio.

Giovanni Stephan

Akala ko mawawala na agad yun sa utak ko kapag pinagod ko ang sarili ko pero heto na naman at bumabalik sa akin ang lahat. Gusto kong magalit sa kanya, yun dapat ang nararamdaman ko pero bakit ganito?

Bigla kong nahila ang kurtina sa shower area ng mahagip ng mata ko ang isang anino na papalapit sa direksyon ko. Sinubukan kong hawakan sya sa damit nya kung sinoman ang pangahas na manyak na ito pero dahil sa tubig, nadulas ako.

Isang kamay ang humawak sa likuran ko at isa sa may bewang upang hindi ako matumba sa kinatatayuan ko at nang mag-angat ako ng tingin, bumungad sa akin ang maamo nyang mukha na medyo natatakpan ng may kahabaan na nyang buhok.

“Caleb”

“Damn it!”

Unti-unti nya akong hinila papalapit sa kanya at niyakap. Dahil sa patuloy parin ang tubig na nanggagaling sa shower, pareho na kaming nabasa.

Hindi ako magtataka kung papaano nya ako nahanap at kung papaano sya nakapasok dito. Knowing him sigurado akong nag-aalala na naman sa akin ito.

“Caleb, let go…”

“No”

Anong ‘No’ ang pinagsasabi ng malanding ito? Sigurado ako na nagtetake advantage na naman sya sa akin eh.

“Bibitawan mo ako o babalian kita ng buto?”

“Ayan, nakabitaw na ako”

Ang bilis naman nitong matakot at bumitaw nga agad. Pinagmasdan ko ang mukha nya na basang basa at dinadaluyan ng tubig mula sa shower, malamlam ang mga mata nya at halatang malalim ang iniisip.

Pinatay ko ang shower at humarap sa kanya.

Apostle Thirteen: The Return of the QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon