Chapter 60: THE MASK OF OPHIUCHUS

100K 2.7K 1K
                                    

Chapter Sixty: THE MASK OF OPHIUCHUS

THIRD PERSON POV

Tahimik ang buong lugar sa burol ni Isly, walang ingay, walang gulo, malinis ang buong lugar. Tanging ang liwanag sa lamp post na nakatayo sa gilid ng kabaong ang nagbibigay liwanag sa lugar.

Kulay puti ang kabaong nito at nanatili lang na nakabukas ang ibabaw. Napapalibutan ng ibat ibang klaseng bulaklak sa baba at ang malalaking bulaklak naman ay may pangalan ng mga naulila at nakikiramay.

Sobrang tahimik sa lugar dahil hindi katulad ng inaasahan ng lahat, walang tao ni isaman sa burol nito. Walang bisita o pamilya, maliban sa kabaong, bulaklak at mga kandila, wala ng ibang matatanaw sa burol nito.

Mayamaya ay tumunog ang isang musika mula sa isang makalumang plaka na nasa may gilid. Nagkaroon ng tunog sa lugar nayon pero ganun paman, mabigat sa pakiramdam at tahimik.

Dahan-dahang binuksan ni Eloisa ang pintuan at pumasok sa loob. Napatingin ito sa lumang plaka na umiikot habang nagbibigay musika. Luma na ito at may sira kaya bigla na lang bumabagsak ang needle at lumilikha ng tunog sa lugar.

Hinayaan nya ang plaka na patuloy sa pagtunog at naglakad paderetsyo sa unahan kung saan naandoon ang kabaong ni Isly. Naupo ito sa kauna-unahang bangko at sumandal.

Isang malalim na ngiti ang sumilay sa labi nito saka tinitigan ang kabaong sa harapan nya.

"Ngayon palang talaga magsisimula ang totoong Gang war, enjoy the show Isly kung nasaan ka man..." saad nito.

LYRA POV

Ang sakit ng mata ko, hindi ako makapaniwala na umiyak ako ng ganito dahil sa batang yun. Magbabayad sya sa akin kapag nagkita kami sa kabilang buhay.

Si Isly...

Hindi, hindi dapat ako mag-isip ng iba pang mga bagay. I must focus sa mga susunod pang mangyayari at kung ano ang dapat kong gawin.

"Bawal nga pumasok eh"

"You tabi or I'll sipa you!"

Shit! Ang aga-aga kahit na late na naman talaga ay may mga pusa sa bubong namin, sino na naman kayang kaaway nun ni Akagi?

"Hindi nga pwede!"

"I'll bilang then you alis, 10, 1!"

That voice, isang tao lang naman ang kilala kong conyo. Lumabas ako ng kwarto at dumeretsyo sa sala, tama nga ang hinala ko, si Cly.

"Alam nyo, bagay kayo" saka ako tumingin sa kanila habang bumababa't taas ang kilay ko.

"Iwww... Yaks... Kadiri!!!" si Akagi.

Sya pa talaga ang may ganang sabihin ang bagay na yan, bakla nga yata talaga ang isang ito. Palibhasa puro computer ang hawak kaya hindi alam ang isang alindog ng babae.

Alindog, pwe!

"Anong ginagawa mo dito?" bumaba ako ng hagdan at tinungo si Cly, wala din namang nagawa si Akagi kung hindi ang papasukin sya.

"About Isly-"

Tsk, parang biglang kumirot ang utak ko sa narinig ko. Ayoko munang isipin ang bagay na yon pero ang mga tao sa paligid ko, pilit na pinapaalala ang bagay na ito.

"What's wrong?" saka ito lumapit sa akin.

"Pinoproblema ko ang kagandahan ko" at naupo ako sa sofa.

"Lyra stop your bitchie bitchie, kilala na me ikaw. We're boardmates kaya..."

"Oro?"

Saka ako nagsmirk kay Cly para asarin ito, napapout naman sya at saka naupo sa tapat ko.

Apostle Thirteen: The Return of the QueenWhere stories live. Discover now