Special Chapter Part 2

121K 3.1K 1.6K
                                    

CALEB POV


"Ok, dahan-dahan mong itaas... kaunti pa..."

"Argh..."

Napatigil ako ng kumirot ang kaliwang balikat ko maging ang doctor ay napatingin sa akin. Inalalayan nya ako ng ibinaba ko ang kaliwang kamay ko, hindi ko inakala na mag-iiwan ng ganito kalaking problema ang ginawa ni Kneel.

"Sabihin mo nga sa akin, nagbuhat ka ba ng mabibigat?"

Ngumiti lang ako at napayuko, iniiwasan na makasalubong ang mata ng physical therapist ko. Alam ko na sesermunan nya ako lalo na kapag sinabi ko sa kanya na pinag-igib at pinagbuhat ako ni Lyra ng magpunta ako sa probinsya.

Dalawang araw na din ang nakakalipas ng bumalik ako dito sa Manila matapos naming magkita ni Lyra at hanggang ngayon sariwa parin sa utak ko ang nangyari ng gabing yun. Kung papaano nya hinawakan ang kamay ko at ang mga ngiti sa labi nya.

"Caleb!"

Nagbalik ang paningin ko sa doctor na mukhang napapansin na hindi ako nakikinig sa sinasabi nya. Matagal ko ding hindi nakita si Lyra kaya hindi ko maiwasang hindi sya isipin.

"Ano pang silbi ko dito kung hindi mo naman papakinggan ang mga sinasabi ko?"

"Last na ito, hindi na mauulit..."

"Mukhang may plano ka pang umulit ah..."

Ngumiti lang ako sa kanya saka isinuot ulit ang damit ko, maya-maya din naman ay nagpaalam na ako at umalis. Malapit lang dito ang condo ni Klio, wala naman sigurong masama kung dadalaw ako at saka, sigurado ako na nag-aalala din sya kay Lyra.

15 minutes lang ng makarating ako sa condo unit nila ng makasalubong ko si Klio sa hallway at mukhang katatapos lang mag-grocery. Gusto ko man syang asarin ngayon pero batas na kapag naandito sa condo unit nila, wag mo syang tatawaging under.

"Oh Caleb, anong ginagawa mo dito?"

"Namiss kita, payakap nga..." at humakbang ako sa kanya palapit.

"Sira ulo ka, tara sa loob..."

Sumunod ako kay Klio ng buksan nito ang pinto, hindi paman kami ganap na nakakapasok sa loob ng marinig namin ang boses ng Death Monarch Gang. Mukhang mali yata ang timing ng pagdalaw ko.

"Paano natin mapapalabas si Lyra?" Christine.

"Sabihin kaya natin na ikakasal na si Jireh?" Krey.

"Hiwalay na sila..." Noah.

"Knowing Lyra, mataas ang pride nun, kapag tapos na kayo, tapos na talaga... Period" Pierre.

It's been two days since nang makita ko si Lyra at umalis sa probinsya na yun. Actually, wala pa talaga akong balak umalis but then after that night...

"Alam mo, okay lang kung maiinlove ka sa akin. Okay lang talaga..."

Hindi ko tuloy di maiwasang hindi mapangiti at mas lalo pa akong napapangiti ngayong naririnig ko sila. Hindi ko tuloy alam kung papaano ako papasok sa living room dahil sa mga naririnig ko at mukhang maging si Klio ay hindi rin makatsempo ng pasok.

"What about Caleb?" Amber.

"Anong meron kay Caleb?"

"Sya kaya ang ipakasal natin..."

Napatingin ako kay Klio ng bigla itong napatawa ng mahina. Hindi ko talaga masakyan ang utak ng mga ito. Sinenyasan ko si Klio na mauna ng pumasok kesa sa kung saan pa umabot ang usapan ng mga ito. Ayokong marinig kung kanino nila ako naiisip ipakasal.

Apostle Thirteen: The Return of the QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon